WBO champs magpapakitang gilas

KAPWA magpapakitang gilas sina undefeated featherweight Lorenzo “Thunderbolt” Villanueva at miniflyweight Rommel “Little Assassin” Asenjo araw ng Sabado, Pebrero 26 sa General Santos City.

Ang dalawa na kapwa Oriental champions ng World Boxing Organization (WBO) ay susubok sa kanilang respektibong mga kalaban.

Si Villanueva, 24, (18 wins, 17 KOs) ay makikipagsapakan kay journeyman Ruben Sentillanosa sa 10 rounds.

Samantala, si Asenjo, 21, (19 wins, 16 KOs, 2 losses) naman ay makikipagsubukan kay Jongjong Ponteras sa 8 rounds.

Ang dalawang bouts na ito ay bilang paghahanda ng mga Oriental champion sa kanilang title defense dalawang buwan mula ngayon. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply