‘Whistleblowers’ vs AFP generals dadami — DOJ

MARAMI pang ibang dating opisyal ng gobyerno, partikular ang mga taga-Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nagpaparamdam na gustong tumestigo at magbulgar ng mga katiwalian sa loob ng militar.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima nitong Miyerkules, Pebrero 9, na may ” feelers” siyang natatanggap mula sa ilang indibiduwal kaya’t maaaring madagdagan pa ang lalantad upang “kumanta” laban sa mga heneral.

“We expect several more (whistleblowers)… may mga feelers,” pagbubulgar ng kalihim.

Sinabi pa ni De Lima na, “kung talagang lalabas sila ay hinihintay namin ‘yun.”

Aniya, naniniwala siyang maraming may alam sa mga katiwalian sa AFP.

“Hindi naman puwedeng isa o dalawa o tatlo lang ang  nakakalaam,” ayon sa kalihim. “In fact, it’s a conspiracy, a collective effort that is being broken  gradually.”

Kaugnay nito,  sinabi rin ng kalihim na posible pa ring kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang  pamilya ng yumaong si dating Defense Secretary Angelo Reyes hinggil sa nalantad na korapsyon sa AFP.

Ngunit aminado si De Lima na sa panahong ito ay  hindi pa siya handa kung tutuluyan ang mga naulila ng dating  AFP chief of staff.

Hinihintay pa umano niyang maiprisinta sa kanya ang mga ebidensya upang masimulan niyang mapag-aralan ang mga ito.

“(It) all depends on the evidence and facts…tingnan muna natin,” ani De Lima. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply