Wikileaks Filipino version inilunsad

INILUNSAD na ng ilang Information Technology experts (IT) ang Filipino version ng Wikileaks, isang pandaigdigang whistleblower website na matutunghayan sa www.pinoyleaks.org na may layuning ilantad sa publiko sa pamamagitan ng cyberspace ang lahat ng katiwalian sa gobyerno.

Ayon sa www.balitapinoy.net, layunin ng website na labanan ang korapsiyon at kahirapan sa pamamagitan ng pagbubulgar ng mga ebidensiya ng katiwalian sa internet na proyektong tinawag na “PinoyLeaks” na nagsasabing misyon nitong ilantad ang lahat ng corrupt na opisyal sa lahat ng antas ng gobyerno.

Sinabi pa ng site na katulad ang PinoyLeaks ng Wikileaks maliban na lamang na tanging misyon nito na nakapokus sa paglalantad ng korapsiyon lamang, at limitado ang lawak nito sa Pilipinas.

“PinoyLeaks works with bloggers instead of traditional media. It is up to the bloggers whether to spread news about a leak,”giit ng site.

Inihayag pa ng www.balitapinoy.net na layunin ng PinoyLeaks na magbigay ng sigurado, ligtas at mahusay na mekanismo para sa kinauukulang mamamayan na ilantad ang ebidensiya ng korapsiyon nang walang takot. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply