Witness sa pagpatay sa radio anchor hiniling proteksyunan

HINILING ni Palawan Mayor Edward Hagedorn sa National Bureau of Investigation (NBI) na ilagay sa kanilang kustodiya ang “witness” sa pamamaslang sa radio anchor na si Dr. Gerry Ortega, Biyernes, Pebrero 4.

Kasama ni Hagedorn ang asawa ni Ortega na si Patricia Gloria Ortega, nang magtungo sa tanggapan ng NBI upang hilingin ang kaligtasan ng witness.

Hangad ng alkalde ng Palawan na pagbibigyan siya ng liderato ng ahensya sa pamumuno ni Atty. Magtanggol Gatdula, upang maisailalim sa witness protection program sina Noynoy Regalado at Dennis Aranas.

Nauna nang sinampahan ng kaso si Aranas dahil umano sa pagiging look-out nito.

Sinabi ni Atty. Harry Roque Jr., ang pamilya ni Dr. Ortega ay humingi umano ng tulong sa NBI upang mapabilis ang proseso ng imbestigasyon upang makilala kung sino ang mastermind sa pamamaslang, habang ang naturang kaso ay kasalukuyan nang nasa Death Investigation Division (DID).

Ayon pa kay Roque, ang NBI Palawan ay hawak na umano ang isang suspek na sinasabing nagdala umano ng pera at baril.

Samantala, matatandaan na inaresto ng Puerto Princesa Police ang suspek na kinilalang si Marvin Alcaraz, unang sinabing residente ng Taguig  City. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply