Wizards pinutakti ng Hornets

PARANG pinutakti ng New Orleans Hornets ang Washington Wizards sa kanilang pagtutuos kahapon matapos ang 97-89 loss.

Si Jason Smith ay kumamada ng career-high 20 points habang si Chris Paul ay nagdagdag ng 15 points at nine assists kung saan si Trevor Ariza ay nag-ambag ng 16 points sa New Orleans.

Naipanalo ng Hornets ang laban kahit na wala si center Emeka Okafor na pinagpapahinga dahil sa sa pinsala sa left oblique muscle.

Samantala, inalis naman si starting center Andrew Bynum sa Los Angeles Lakers’ lineup sa kanilang laban sa Houston Rockets matapos itong magkaroon ng injury sa kaliwang tuhod.

Hindi naman tiyak ni Lakers coach Phil Jackson kung kalian makababalik sa kanilang lineup ang 7-footer na manlalaro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply