Woods pinagmumulta sa pagdura

INATASAN ng European Tour si dating world number one Tiger Woods na magmulta matapos itong dumura sa Dubai Desert Classic nitong weekend.

“Tournament director Mike Stewart has reviewed the incident and feels there has been a breach of the tour code of conduct and consequently Tiger Woods will be fined,” ayon sa European Tour.

Habang isinusulat ito, nakatakdang lumiham ang mga opisyal sa team ng dating kampeon para doon mabatid kung magkano ang imumulta nito.

Si Woods, 14-times major winner, ay nakunan sa telebisyon na ilang beses na dumura nang ibalik ang three-over-par 75 para tapusin ang seven strokes kasunod kay Alvaro Quiros ng Spain.

Ipinahayag naman ni dating  tour professional Ewen Murray, ngayon ay commentator  sa Sky, ang kanyang pagkadismaya sa itinuturing na number 3 sa mundo.

“You look at his work ethics and he is a credit to the game and an inspiration to all of those who are trying to become professional golfers but there are some parts of him that are just arrogant and petulant,” wika naman ni Briton Murray. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply