Yap, Alapag isasalpak sa Gilas

DAHIL naging bahagi rin siya ng Philippine-Smart Gilas team, naniniwala si Chot Reyes na mahina pa rin ang puwersa ng bansa sa pagsabak sa mga malulupit na kalaban sa FIBA-Asia men’s basketball tournament.

Hanga rin si Reyes sa mga pagbabagong ikinakasa ni coach Rajko Toroman sa Gilas sa layuning mapalakas ang tsansa ng grupo sa nasabing torneo.

“He’s (Rajko) doing right, but I think he needs better players dahil pang-Olympics na ito,” pahayag ni Reyes na tumutukoy sa larong maaaring ikasa sa Setyembre sa Tsina.

Ang event ay magsisilbing qualifying tournament para sa 2012 London Olympics.

Ayon kay Reyes, mas maganda kung idaragdag sa grupo sina B-Meg Derby Ace’s James Yap at Talk ‘N Text’s Jimmy Alapag para lumakas pa lalo ang puwersa ng Philippine five roster. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply