Yapak ni Pacman susundan ni Gesta

DAHIL balak na sundan ang yapak ni Manny Pacquiao bilang “king of boxing,” nangako si Pinoy fighter at lightweight (135 lbs) Mercito Gesta na hindi masasayang ang tickets ng mga fans sa kanyang laban sa Biyernes, Peb. 18.

Tubong Mandaue City, Cebu, ang undefeated na si Gesta ay hawak ni Hall of Fame promoter Don Chargin.

Itataya sa pangalawang pagkakataon ni Gesta ang kanyang walan dungis na kartadang 20-0 (10 KOs) sa bakbakan sa sikat na Fisherman’s Wharf, sa Longshoreman’s Hall Arena sa San Francisco.

Ang 10-round main event ay katatampukan ng laban ni Gesta kay Mexican mauler Genaro Trazancos (22-13, 13 KOs).

Ito ay rematch ng dalawa matapos na manalo ang Pinoy pug sa kanilang unang bakbakan noong isang taon via knockout. GP

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply