Yes Pogi, Juggling Act may date sa Philracom Amethyst I race

NAKATAKDANG ilarga sa darating na Linggo ang 2011 Philracom Amethyst I 2nd Leg Imported/Local Challenge race kung saan 11 dekalidad na mga pangkarerang kabayo ng bansa ang nagdeklarang lalahok na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May nakalaang P300,000 para sa mananalong kabayo at P15,000 sa kanyang breeder na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Ayon sa mga karerista isa ito sa magiging exciting na karera sa kasalukuyan dahil maghaharap sina 2010 Presidential Gold Cup champion Yes Pogi at ang gumagaling na si Juggling Act.

Si Yes Pogi ang isa sa napipisil ng Philippine Sportswriters Association (PSA) na magiging 2010 Horse-of-the-year, ang pinakamahusay na local horse sa ngayon habang si Juggling Act ay sinasabing pangalawang magaling na imported horse – Si Multiply ang una.

Ang ibang nagpahayag ng paglahok ay sina Botbo, veteran horse Fierce Fighter, Gastambide, Mini The Mouse, My Promise, Mooney Money, Our Solemn Prayer at Wadialay Zing.

Makatatanggap din ng P112,500 ang second placer, habang P62,500 at P25,000 naman ang maiuuwi ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply