Yosi bawal na sa Parañaque

MAHIGPIT nang ipagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa Lungsod Parañaque matapos aprubahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang isang ordinansa ukol dito.

Nakasaad sa ordinansa, na nilagdaan ng Sangguniang Panlunsod at sinang-ayunan ni Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe. na mahigpit na ipagbabawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar sa lungsod, tulad sa pamapasaherong jeep, bus, palengke, mall, elevator at mga establisimiyentong pag-aari ng gobyerno.

Layunin ng ordinansa na tulungan ang mga mamamayan nito na maiwasan ang maraming karamdamang dulot ng paninigarilyo.

“Kahit hindi ka naninigarilyo, nalalanghap mo naman ang usok kaya susceptible ka rin sa sakit sa baga,” pahayag ni Bernabe.

Ang sinumang lalabag sa batas ay papatawan ng kaukulang pagmumulta at pagkakakulong.

Nanawagan din si Bernabe sa publiko na iwasan ang paninigarilyo at panatilihing “smoke-free” ang lungsod. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply