Youtube sensation Maria Aragon nag-guest sa Good Morning America

MATAPOS bumisita sa programa ni Ellen Degeneres ay nag-guest naman ang Fil-Canadian na si Maria Aragon sa Good Morning America.

Pinabilib ni Aragon ang host ng Good Morning America na si George Stephanopoulos.

“I have to tell you, they were playing that out over Times Square. And while you were playing I think the traffic stopped all over Times Square this morning. That was so fantastic,” gilalas ng anchor.

Ang nasabing programa ay ipinalabas nang live ang performance ng nasabing Youtube sensation sa isang giant screen sa Time Square, New York City.

Inawit ni Aragon sa programa ang “Born This Way” ang kantang nagpasikat sa kanya sa You Tube.

Talagang instant stardom na ang Youtube kung saan din nadiskubre si Charice Pempengco at Arnel Pineda.

Si Maria Aragon ay nadiskubre ni Lady Gaga sa YouTube na tinawag pa ng sikat na singer na “the future.” Bineza Zapanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply