Zambales nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude na 3.1 ang Zambales, madaling-araw ng Lunes, Pebrero 14.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 2:45 a.m., na tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs bulletin, natagpuan ang epicenter nito sa may 35 km northwest ng Olongapo City.

Hindi naman agad nalaman kung saan naramdaman ang naturang pagyanig.

Wala namang aftershocks na naitala at walang napinsalang ari-arian. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply