‘Gobyerno, oil firms ang magsakripisyo’

HINILING ni Sen. Ralph Recto sa gobyerno at mga kumpanya ng langis na magsakripisyo upang maibaba ang presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

Ginawa ng senador ang kanyang panawagan matapos ipahayag ng gobyerno sa mga mamamayan na magsakripisyo sa gitna ng nararanasang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bagama’t tama umano ang panawagan ng gobyerno na magsakripisyo, iginiit ni Recto na kailangan ding magsakrepisyo ng pamahalaan at mga kumpanya ng langis sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtapyas ng value-added tax (VAT) sa ipinapataw sa mga kumpanya ng langis.

“I agree with the calls for sacrifice during these hard times but would the government and oil companies be also willing to sacrifice?” tanong ng senador.

Kasabay nito muling iginiit ni  Recto ang pagtapyas sa (VAT) na ipinapataw sa mga kumpanya ng langis, na dapat na gawing sakripisyo ng gobyerno upang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

Ayon sa senador, kung bababa umano ang presyo ng priduktong petrolyo ay  posibleng bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay nito, hiniling ni Sen. Manny Villar ang pagbusisi sa Oil Deregulation Law.

Kasunod ito ng paglalatag ng senador ng komprehensibong oil sector reform agenda  dahil na rin sa harap ng walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Villar, panahon nang magsagawa ang gobyerno ng mga hakbangin upang matulungan ang mga mamimili sa harap ng inaasahang patuloy na paglobo ng presyo ng langis dulot ng krisis sa gitnang silangan at North Africa .

“Hindi tayo pwedeng mag-relax at tiisin na lamang ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis. Kailangang kumilos ang gobyerno upang mapawi ang ating pangamba na hindi tayo niloloko ng mga dambuhalang kompanya ng langis,” ani Villar. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply