‘Impeach Merci’ report pirmado ng 14 senators

LABING-APAT na magiging senator-judge ng impeachment court ang lumagda sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrerekomendang patalsikin si Ombudsman Merceditas Gutierrez at lahat ng special prosecutor na humawak ng kasong plea bargaining agreement ni dating Armed Forces comptroller Carlos Garcia.

Unang pumirma sa committee report si Sen. Teofisto “TG” Guingona, ang pinuno ng komite, na sinundan nina Sens. Loren Lagarda, Francis “Chiz” Escudero, Ramon “Bong” Revilla Jr., Joker Arroyo, Franklin Drilon, Francis “Kiko” Pangilinan, Serge Osmeña, Ralph Recto, Antonio Trillanes IV, Juan Miguel Zubiri, Pia Cayetano, Manny Villar at Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Hindi pa lumalagda sa committee report sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senate Majority Leader Vicente Sotto III dahil katatanggap lamang umano ng kanilang tanggapan ang kopya ng ulat ni Guingona.

Wala namang lagda sina Sens. Edgardo Angara, Gregorio “Gringo” Honasan, na parehong nag-inhibit sa lahat ng pagdinig dahil “mistah” nito si Garcia, at si Miriam Defensor-Santiago, na minsan lamang dumalo sa imbestigasyon.

Nakikita sa paglagda ng karamihan sa miyembro, nagkaroon sila ng reservation sa impeachment trial kay Gutierrez dahil sila ang magsisilbing senator-judge sakaling maisampa sa Senado ang Articles of Impeachment na inaprubahan ng House committee on justice.

Alinsunod sa Saligang Batas, kaagad magiging Impeachment Court ang Senado na magiging senator-judge ang lahat ng miyembro nito na pawang miyembro din ng Blue Ribbon Committee. Nangako kamakailan si Enrile na hindi magiging impartial ang buong Senado sa paghuhusga kay Gutierrez sakaling maisampa ng Articles of Impeachment sa Senado.

Ayon kina Arroyo at Revilla, hindi umano nila hinuhusgahan si Gutierrez dahil kapwa sila hindi lumahok sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaya wala silang paghahatol sa magiging kinahihinatnan ng kasong isasampa sa Impeachment Court.

“I did not participate in the proceedings as to enable me to make any judgement,”ayon kay Arroyo.

Sinusugan naman ito ni Revilla sa pagsasabing, “With reservations, without prejudice to my impartiality as senator-judge and took no part in the judgement.”

Sa liit naman ng sulat kamay ni Trillanes, hindi maaninag ang sinasabi nitong paliwanag hinggil sa kanyang reserbasyon sa paglagda sa naturang report.

“I express my reservation and no part/opinion re impeachment as it might reach us and constitute pre-judgment,” ani Escudero.

Sinabi naman ni Drilon na: “ I concur with all the findings, but express no opinion on that portion of the Report on p. 49, para 1 and p. 52, para 1 and 2 on the impeachment of the Ombudsman.”   Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply