‘Mag-aayos’ para kay Merci isusumbong sa bayan – Sotto

NAGBABALA si Senate Majority Leader  Vicente  Sotto laban sa mga nagbabalak na magla-lobby sa Senado kaugnay ng kaso ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon sa senador, papagalitan at agad niyang isusumbong sa taumbayan ang sinumang tangkang “mag-ayos” kaugnay ng kaso ni Gutierrez.

“Hindi po kami mapi-pressure. Kapag meron gumagapang ay isusumbong namin sa inyo,” ayon sa senador.

Tiniyak ni Sotto kay Gutierrez na magiging patas ang mga senador sa gagawing paglilitis sa kanyang kaso dahil ibabatay umano nila sa konsensya at merito ng reklamo ang kapasyahan sa mga asunto laban sa Ombudsman.

“Dapat kami ay impartial. We will base everything on presentation of evidence and on the answer of the defense,” aniya.

Una rito, sinabi naman ng ilang senador, maging ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na magiging patas ang kanilang paghuhusga sa kaso ni Gutierrez, lalo na ang mga senador ng Liberal Party (LP) sa kabila ng go-signal ng Pangulo na suportahan ang impeachment case laban sa Ombudsman.

Samantala, maaaring sa buwan ng Mayo umano masisimulan ang pormal na paglilitis ng kaso ni Gutierrez sakaling maisumite ng Kamara ang articles of impeachment bago mag-session break ang Kongreso sa Marso 26.

Ayon kay Sotto, mahabang proseso pa ang gagawin ng Senado bago simulan ang paglilitis tulad ng pag-adopt ng rules na gagamitin sa paglilitis kung saan posible aniyang pagbatayan ang rules na ginamit sa impeachment case laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.   Vicky Cervales

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply