‘Pork’ gamitin upang iligtas, bigyan ng trabaho ang OFWs

IPINANUKALA ng mga obispo ng Simbahang Katoliko sa mga mambabatas na ilaan ang bahagi ng kanilang “pork barrel” sa pagpapauwi at pagbibigay ng trabaho sa mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Gitnang Silangan at Japan.

Ayon kay Maasin Bishop Precioso Cantillas, chairman ng Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), malaking tulong para sa mga OFW ang halaga mula sa mga mambabatas sa paglikas sila mula sa mga bansang Libya, Egypt, Bahrain, Yemen at Japan.

“It would be a big help… hope they will realize that,” ani Cantillas, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Bagama’t ang naturang pork barrel ay para sa mga development projects, sinabi ng obispo na hindi makasasama kung gagamitin sa pangkasalukuyang problema na nabanggit.

Ito rin naman ang panawagan ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, na nagsabing ngayon dapat ipakita ng mga mambabatas at mga lider ng bansa ang kanilang malasakit sa OFWs.

Iginiit ng Obispo na sa halip na mapunta lang sa wala ang pork barrel ay mas mabuting ilaan na lamang ito para makalikha ng maraming trabaho na pakikinabangan ng ating mga kababayan na bumalik o babalik sa bansa.

“Pabor na pabor ako na gamitin ang pork barrel ng mga mambabatas para itulong sa mga OFW na naiipit ng kagulugan sa Libya. It is the best time for them that all those congressmen must give their all pork barrel to protect our OFWs,” anang Obispo.

Sa halip na lustayin lamang umano ang halaga ay mas mabuting itulong na lamang ito sa mga OFW.

Una dito ay nang inihayag ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III na walang magaganap na mass repatriation sa Gitnang Silangan dahil sa kakapusan ng pondo. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply