‘Suntok Ginto’ ng ABAP umani ng suporta

PATULOY ang pag-ani ng suporta ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) mula sa pribadong sektor sa pagbibigay ng insentibo sa mga nangangasiwa nito sa paghahanap ng tagumpay at karangalan sa mga internasyunal na torneo sa larangan ng amateur boxing.

Ayon kay ABAP Exeutive Director Ed Picson, ang proyektong “Suntok Ginto” ay hindi namamalimos ng kinakailangang pondo, bagkus ay suporta at kooperasyon ang inaamot ng asusasyon, mga boksingero at mga sponsor.

Aniya, ang mahalaga ay ang karangalan ng bansa.

Sa pahayag nina Picson at ABAP Seretary General Pato Gregorio, may natipon nang pondo na P2 milyon galing sa Meralco, P1 milyon mula kay Cecilio Pedro ng Lamoyan Corporation at P1 milyon galing sa Maynilad.

Pinasalamatan din nila ang patak-patak na donasyon na umabot sa kabuuang P230,000 sa mga natipon sa mga drop boxes sa SM Malls.

Sinabi ni Picson na ang P5, P10 at P20 na mula sa kusang-loob na donasyon ng mga ordinaryong tao ay pinahahalagahan ng ABAP at itinuturing na malaking tulong para sa pagsasanay ng mga amateur boxer.

Tatangkain ng mga boksingero na mahigitan ang panalong limang gold, isang silver at tatlong bronze na medalya na nasungkit noong huling Southeast Asian Games. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply