‘Under the table’ sumingaw sa SMB-Air21 deal

POSIBLE umanong nagkaroon ng brasuhan sa malaking trade na naganap sa pagitan ng San Miguel Beer at Air21.

Ayon sa mga kritiko, maaaring nagkaroon umano ng ‘under the table’ dahil sa pagkakaapruba ng deal na sa iisang panig lamang kumakatig.

Noong una ay hindi sinang-ayunan ni Philippine Basketball Association commissioner Atty. Chito Salud ang trade dahil kuwentiyonable diumano ito.

Subalit makaraan ang isang araw ay ginulantang ni Salud ang mga fans nang biglang tumango sa deal.

Nabatid naman sa ilang sources na sa orihinal na plano ay sina Danny Seigle, Joseph Yeo at Mick Pennisi ang magiging kapalit ng tatlong bagitong atleta mula sa Express subalit pumalag si Salud at nag-utos na baguhin ang listahan.

Ipinaliwanag naman ni Salud na kaya hindi niya inaprubahan noong una ay dahil masyadong halata na sa iisang kampo lang ito pumapabor.

“This revised trade is certainly a marked improvement from the first trade offer San Miguel made to Air21. I assessed the trade both on the market balance of the seven players involved. I’d like to believe that this trade isn’t one-sided anymore,” pahayag ni Salud. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply