“Alice in Chains” Bass player, natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang dating Alice in Chains bass guitarist na si Mike Starr sa Salt Lake City.

Lumabas noong Enero 2010 si Starr bilang isa sa mga pasyente sa TV show na “Celebrity Rehab”. Nalulong ang dating gitarista sa ipinagbabawal na gamot ilang taon na ang nakararaan.

Sumikat ang bandang Alice in Chains noong 1992 sa kanilang album na “Dirt” na halos lahat ng kanta ay patungkol sa droga. Ang kanilang lead singer ay namatay din dahil sa overdose sa droga noong 2002.

Tatlong linggo na ang nakararaan, naaresto si Starr sa Salt Lake dahil may nakabinbin itong arrest warrant na may kaugnayan din sa droga. Sa kanyang pagkakaaresto ay nahulihan pa ito ng ipinababawal na gamot.

“There is nothing to indicate that this was foul play by another individual,” ayon sa police spokesman sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply