1 patay sa Yemen protest

ISA ang nasawi habang 98 ang nasugatan sa mga nagpoprotesta matapos salakayin ng mga sundalo ng Yemen ang Sanaa University.

Kasalukuyang natutulog umano ang mga estudyante nang pasukin ng mga armadong militar at pagbabarilin ng rubber bullets at banatan ng tear gas ang mga raliyista.

Matatandaang Pebrero nagsimula na mag-rally ang mga estudyante na hinihingi ang pagbaba sa pwesto ni Yemen President Ali Abdullah
Saleh.

Ayon sa isang medical officials, umabot sa 98 ang malubhang nasugatan at marami sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.

“It’s a massacre”, ayon kay opposition spokesman Muhammad Qahtan. “It is a crime by security troops against students engaged in a peaceful sit-in”, dagdag pa niya. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply