1 sa nasabugan ng granada pumanaw na

PATAY na ang isa sa magka-live-in na nasabugan ng granada sa Makati City, Marso 6.

Kinilala ang namatay na biktima na si Rodrigo Baledo, 34, habang patuloy pang ginagamot si Lady Reine Rodrigo, 25, sa Ospital bunga ng tama ng shrapnel sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Makati police chief S/Supt. Froil Bonifacio, ang insidente ay naganap kaninang umaga habang ang mga biktima ay natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa 115-B 9th Avenue East Rembo, naturang lungsod.

Ayon sa ina ni Rodrigo na si Rosalida, bago naganap ang pagsabog, nakita umano niya ang dalawang kabataang tumatakbo palayo ng kanilang bahay na hinihinalang naghagis ng granada sa kanilang bahay.

Hinihinala ng mga tauhan ng Makati  police Explosive and Ordnance Division (EOD) na isang fragmentation hand grenade ang ginamit sa pagpapasabog sa bahay ng mga biktima.

Ayon kay PO1 Joie dela Cruz, may hawak ng kaso, iniimbestigahan pa at inaalam kung ang granada ay aksidenteng sumabog o pinasabugan talaga ang mga biktima naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang tahanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply