1,000 Filipino mula sa Japan nakauwi na ng Pinas

NASA 1,000 Filipino na mula sa Japan ang nakabalik sa Pilipinas matapos tamaan ng magnitude 8.9 na lindol na sinundan pa ng dambuhalang tsunami noong Biyernes, Marso 11.

Lunes ng gabi, Marso 14 nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong flights mula sa Japan lulan ang mga nasabing Filipino.

Ang mga eroplano ay mula sa Narita, Fukuka, Nagoya at Kansai airport.

Inaasahan namang makakauwi na rin ng Pinas sa mga susunod pang araw ang 20 OFWs na naistranded sa Fukushima, Prefecture.

Kaugnay pa rin ng mga pangyayari sa Japan, nagpadala na ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ng bus sa Sendai upang masundo ang mga biktimang Pinoy na nananatili sa evacuation center.

Sinabi rin ng Philippine Embassy na maraming tao ang ayaw lisanin ang Sendai dahil sa kani-kanilang trabaho at pamilya.

Samantala, nahihirapan ang embahada na hanapin ang iba pang Pinoy sa Sendai dahil kasalukuyang putol na ang suplay ng kuryente sa iba’t ibang parte nito, pati na ang tubig. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply