1,000 job orders naghihintay sa Bahrain

MULING dadagsa ang job orders sa Bahrain matapos ibaba ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang alert level sa naturang bansa.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit sa 1,000 trabaho ang naghihintay ngayon sa mga mangagawang  Pilipino o overseas Filipino workers  sa Bahrain dahil humupa na ang political tension doon.

Magsisimula nang tumanggap at magproseso ang POEA  ng  mga dokumento ng returning workers at new hires na patungo ng nasabing bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang deployment ban sa ibang mga bansa gaya ng Libya at Yemen.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply