107 OFWs sa Kuwait balik Pinas

BUMALIK ng bansa ang may 107 overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait na nabigyan ng amnestiya sa kanilang kaso sa naturang bansa.

Nabatid na dumating bandang 11:00 kagabi, Marso 17, ang mga naturang OFWs sakay ng Emirates Flight EK334 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1.

Sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dimson, karamihan sa mga umuwing Pilipino ay ang mga may reklamong inaabuso ng mga employer kaya’t hindi tinapos ang kani-kanilang mga kontrata.

Dagdag pa ni Administrator Dimson, sasagutin ng OWWA ang pamasahe ng mga OFWs papauwi ng kanilang probinsiya at bibigyan pa nila ng livelihood assistance ang mga ito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply