11 kababaihan namamatay araw-araw dahil sa kawalan ng kaalaman sa family planning

AABOT sa 11 kababaihan ang namamatay araw-araw dahil sa kawalan ng kaalaman tungkol sa family planning methods.

Ito ang sinabi ng mga nagsusulong ng Reproductive Health Bill sa Kongreso bilang patunay na maraming mga kababaihan, lalo na sa mga edad 14 -15 na maagang nabubuntis dala ng kawalan ng kaalaman ukol dito.

Ayon kay Doreen Murata, miyembro ng Youth Consortium for RH Bill, maraming mga kabataan ngayon ang nabubuntis na nauuwi sa aborsyon dahil sa kawalan ng kaalaman sa pagpaplano ng pamilya at kung papaano makakaiwas sa sexual na gawain.

Sinabi pa ni Murata,kailangan ang RH bill upang tugunan ang nais ng bawat kababaihan na mabatid ang kahalagahan ng edukasyon tungkol sa sekswualidad,hindi lamang sa paggamit ng condom, o anumang contraceptives kundi upang hikayatin ang mga tao na mahalin ang kanilang komunidad.

Samantala, sinabi ni Fr.Julian Cruzalta, professor ng theology at adviser ng Catholic for choice, kailangang bigyan ng halaga ang buhay ng bawat tao at para magampanan ito ay importante ang pagkakaroon ng akmang pamamaraan at edukasyon tungkol sa reproductive health.

Sinabi pa ni Cruzalta, ang isyu ay ang buhay ng tao kaya naman dapat bigyan ng pagpapahalaga ito. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply