11 ‘magdalena’ kalaboso

ARESTADO ng mga pulis ang 11 bebot na hinihinalang nagbebenta ng panandaliang-aliw habang nakatambay sa paligid ng Monumento sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Marso 30.

Kasalukuyang nasa presinto na ang mga babaeng nasa edad 19 hanggang 26.

Nakatanggap ng reklamo ang mga pulis na nagtatambay na naman ang mga “magdalena” habang naghihintay ng parukyano sa paligid ng Monumento sa nasabing lungsod.

Dakong alas-diyes ng gabi, sinimulang rumonda ng mga pulis at pinagdadampot ang nasabing kababaihan. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply