11 patay, 29,682 pamilya apektado sa baha at gumuhong lupa

UMABOT na sa 11 ang namamatay bunsod ng patuloy na pag-ulan sa timog na bahagi ng bansa na nagdulot ng pagguho ng mga lupa at malawakang pagbaha.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang kumpirmadong patay at apat pa ang naiulat na nawawala.

Walo sa mga namatay ay buhat sa Tacloban City sa probinsya ng Leyte, dalawa (2) sa Bohol at isa sa Leyte. Ang mga napaulat naman na nawawala ay buhat sa Kanga, Leyte at Bacuag, Surigao del Norte.

Ayon kay  Benito Ramos, executive director ng NDRRMC, ang patuloy na pag- ulan sa Kabisayaan at ilang parte ng Mindanao ay nagdulot ng matitinding pagbabaha sa mga probinsya ng Bohol, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Western Samar at Misamis Oriental.

Samantala, may kabuuang 29,682 pamilya o 148,548 katao ang apektado ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply