11 Pinoy sa NZ earthquake ‘patay’ na

IDINEKLARA nang “presumed dead” ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 11 Filipinos na nawawala matapos ang 6.3 magnitude na lindol na tumama sa New Zealand noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ni acting Foreign Affairs Secretary  Albert del Rosario na tumawag na sa kanya ang foreign minister ng New Zealand para ipaalam na missing pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga biktima na pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong gusali sa Christchurch City.

Nagpaabot na rin umano ng pakikiramay ang New Zealand government sa pamilya ng mga biktima.

Iniulat din ni del Rosario na nakatakdang tapusin na ng awtoridad ang search at rescue operations para sa mga biktima pagkalipas ng siyam na araw para masimulan ang recovery efforts.

Batay sa talaan ng DFA, kabilang sa mga idineklarang missing Filipinos sa New Zealand quake ay sina: Jessie Lloyd Redoble, John Kristoffer Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabelle Anoba, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunilas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora at Lalaine Agatep. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply