11 sugatan sa pagsabog ng Japan nuclear plant

LABING -ISANG katao ang nasugatan sa muling  pagsabog ng reactor sa isang nuclear plant sa Fukushima, Japan, Lunes ng umaga, Marso 14.

Ayon sa ulat, nabalot ng maitim na ulap ang kalangitan matapos marinig na pagsabog sa ikatlong reactor ng planta nukleyar dakong alas-onse ng umaga.

Ayon sa Tepco, ang kumpanyang nag-o-operate ng planta, 11 ang nasugatan naturang pagsabog na posibleng isang uri ng hydrogen explosion.

Samantala, tiniyak ni Yukio Edano, chief spokesman ng pamahalaan ng Japan, na hindi napinsala ang reactor ng nuclear power plant kaya malabong magkaroon ng major radiation leak.

Matatandaan na sumabog noong Sabado ang gusali sa paligid ng reactor No. 1 ng planta subalit nanatiling intact o hindi nasira ang selyo ng nuclear reactor.

Kaugnay nito, nagpositibo ang 60 katao sa radiation exposure test na isinagawa ng mga eksperto matapos sumabog ang reactor ng planta sa Fukushima.

Ayon sa Nuclear and Industrial Safety Agency (NISA), sumailalim sa kanilang testing ang 160 residente na na-expose umano sa radiation leak para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Nakuhanan ng 100,000 cpm radiation ang isa sa mga nasuri na ang level nito ay dapat na ma-dekontamina.

Nagbigay naman ng mahalagang impormasyon sa mga mamamayan ang Japan-based nuclear expert na si Philip White kung paano makakaiwas sa epekto ng radiation exposure

Kaugnay pa rin nito, tinatayang 210,000 na residente na nakatira sa palibot ng planta ang inilikas sa mga evacuation center. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply