1,100 gusali nasuri na ng DPWH sa NCR; mga probinsya isusunod na

NASURI na ang 1,100 na gusali sa National Capital Region (NCR) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy kung ang mga ito ay matatag sakaling tamaan ng malakas na lindol.

Ito ang iniulat ni Secretary Rogelio Singson sa Senado sa pagpapatawag nito sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa Disaster Preparedness ng bansa.

Maging ang mga tulay sa Metro Manila ay patuloy na sinusuri ng ahensya upang makumpuni at ma-retro-fit  kung kinakailangan.

Ayon sa ulat ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Institue of Volcanology and Seismology (Philvolcs) noong 2004, 40 porsiyento ng mga gusali sa Metro Manila ang guguho oras na tumama ang isang  magnitude 9 na lindol.

Ito ay dahil nakabatay lamang ang mga gusali at tulay sa Metro Manila sa National  Building Code na nakabase ang pagpapatayo ng gusali sa 7.2 magnitude lamang. Posibleng gumuho ang mga ito kung lilindol ng higit pa sa magnitude 8 o 9 sa ritcher scale na nangyari sa Japan.

Nakipagpulong din ang DPWH sa Philippine Institute of Civil Engineers kahapon, Martes upang pag-usapan ang mga gagawing pagbabago at implementasyon ng new building code  para sa mga gusali at tulay sa bansa.

Kaugnay pa rin nito, isusunod na ng ahensya ang mga gusali sa mga lalawigan at aatasan ang mga  regional directors sa implementasyon ng mga pagsusuri. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply