118-pound fighters pinaghahamon ni Donaire

HINAMON na lahat ni Nonito Donaire Jr. ang 118-pound fighters ngayon na harapin siya.

Subalit nilinaw niya na kung walang haharap sa kanya ay wala siyang magagawa kundi ang umakyat ng super bantamweight division.

“I have always made known my intention to unify the bantamweight division,” ayon sa reigning World Boxing Council (WBC) and World Boxing Organization (WBO) bantamweight title holder. “But if they (bantamweight challengers) don’t want to fight, there’s no choice but to go up (in weight).”

Nakatakda sana siyang humarap sa May 28 kay World Boxing Association (WBA) champion Anselmo Moreno sa Boardwalk Hall sa Atlantic City ngunit tumanggi ang Panamian dahil masyadong maliit ang premyo dito.

Nabatid naman na nagsasanay na si Moreno ngunit hindi si Donaire ang pinaghahandaan nito kundi si Lorenzo Parra dahil mas malaki ang kikitain niya. Gilbert Perdes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply