12% VAT ng langis sa PUVs, pinatatanggal ni Recto

PINATATANGGAL na ni Sen. Ralph Recto ang 12 porsiyentong value-added tax (VAT) sa lahat ng produktong petrolyo.

O kaya, ayo sa senador, ay gamitin ang kinita mula sa naturang buwis upang maibalik sa dating presyo ang mga nasabing bilihin.

Kailangang magsakripisyo ang pamahalaan at mga kumpanya ng langis sa pamamagitan ng posibleng pagbabawas sa 12 porsiyentong VAT o magkaroon ng subsidy sa pamamagitan ng balik-presyo para sa public utility vehicles (PUV).

Si Recto ang pangunahing awtor ng Expanded Value Added Tax (EVAT), na naglalayong punan ang kakapusan ng pondo ng pamahalaan.

“Kailangan magsakripisyo ang pamahalaan sa extra-ordinaryong kinikita nito sa VAT sa produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagbabawas na siyang magtutulak na mabawasan ang halaga ng gasoliina,” giit ni Recto.

Aniya, hindi lamang ang mga kumpanya ng langis kundi maging ang gobyerno ang nagkakamal na dambuhalang tubo sa kasalukuyang sitwasyon sa pamamagitan ng nakokolekta sa VAT sa lahat ng produktong petrolyo.

“Sa bawat pagtaas ng presyo ng langis, kumikita ng extra ang pamahalaan sa porma nang mas mataas na koleksiyon sa VAT,” ayon kay Recto, chairman ng Senate committee on ways and means.

Bukod sa pagbabawas ng VAT, ayon pa kay Recto, maaaring gamitin ng gobyerno ang kinita nito sa VAT upang magbigay ng subsidy sa rollback ng presyo ng diesel na ginamit ng mga PUVs upang mabawasan ang paghihirap ng commuter.

“Diesel should be restored to its pre-Libya level to provide relief to the commuting masses and ease pressure on fare rate and prices of basic commodities,” giit niya.

NItong nakaraang linggo, umabot sa P3 kada litro ang itinaas sa halaga ng diesel na lalong nagpapahirap na hirap na kalagayan ng mamamayan.

Nararapat lang umanong gamitin ng gobyerno ang kinita sa VAT upang ibalik sa dating presyo ng naturang gatong.

“Kung pinagsasakripisyo nila ang mga tao, pwede rin ba ang gobyerno? Handa rin bang mag-sacrifice ang mga kumpanya ng langis?” dagdag niya.

Dapat din umanong makipagtulungan ang mga kumpanya ng langis sa pamamagitan ng pagpapasan sa kalahati ng ibabalik na presyo.

“Government could subsidize half of the price rollback while oil players will pick up the tab for the rest,” aniya.

Sa ganitong paraan, aabot lamang sa P1.50 kada litro ang kakaltasin sa kinita sa VAT at aakuin naman ng mga kompanya ng langis ang natitirang P1.50 bilang “sacrificial losses.”

“Kung dapat nang gawin ito, dapat gawin kaagad natin,” aniya.

Naniniwala pa rin si Recto na masyadong pinalolobo ng mga kumpanya ng langis ang presyo at sinasamantala nila ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at North Africa.

Kinuwestiyon din ni Recto ang katuwiran ng gobyerno na mula sa mas murang halaga ng gatong tungo sa sapat na suplay ng langis.

“This could be misleading since the major Arab oil producers are declaring adequate global supply despite the unrest in the Middle East and North Africa,”  patapos niya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply