1,200 bahay sa Kyusi naabo

UMABOT sa 1,200 kabahayan at P10 million halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy habang isang tao naman ang sugatan sa naganap na sunog sa Quezon City kagabi.

Sa ulat, naganap ang sunog dakong 7 ng gabi sa Brgy. Culiat na umabot sa Task Force Bravo at tumupok sa 1,200 kabahayan ng 800 pamilya.

Base sa imbestigasyon ni Metro Manila fire marshal Chief Superintendent Santiago Laguna, nagsimula ang sunog dahil sa iligal na koneksyon ng kuryente hanggang sa sumiklab at lumikha ng sunog.

Tinatayang aabot sa P10 milyon ng mga ari-arian ang napinsala sa insidente.

Second-degree burn naman ang natamo ng isang Jun Leyba, kasalukuyang ginagamot sa ospital. Robert Anthony Marquez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply