13-anyos apat na beses hinalay ng nobyo

MAGKASAMA sa kulungan ang isang binata at nanay nito matapos ireklamo ng 13-anyos ng apat na beses na panghahalay at illegal detention sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong statutory rape si Jeffrey Gadaingan, 20, habang illegal detention naman ang kinakaharap ng ina nito na si Mercy Cadaingan, kapwa ng Herrera St., Ibaba, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Shirley, alas-5 ng hapon nitong Marso 19 nang sinundo siya ng suspek at niyaya sa kanilang bahay dahil birthday ng kanyang pamangkin.

Nagtiwala naman ang biktima at sumama sa suspek subalit pagdating sa lugar ay nakipag-inuman ang suspek saka sinabihan ang dalagita na kinabukasan na siya ihahatid.

Walang nagawa ang biktima kaya umakyak na lang sa bahay at nakatulog hanggang magising nang maramdaman ang nobyo na nasa tabi at sinisimulan siyang halayin.

Pinangakuan umano siya ng suspek na hindi papabayaan hanggang sa nagpaubaya na ang biktima.

Kinabukasan ay uuwi na sana ang dalagita nang pigilan naman siya ni Mercy na may hawak na aso dahilan upang hindi na tumuloy sa pag-uwi ang una.

Tumagal pa ng apat na araw ang biktima sa bahay ng mga suspek dahilan para pauli-ulit din umano siyang ginahasa ni Jeffrey bago inihatid ng bahay.

Pagkauwi ng biktima ay nakiusap siya sa suspek na siya ang magpaliwanag sa mga magulang bakit siya hindi nakauwi ng apat na araw pero basta na lang siyang iniwan ng suspek at hindi na nagpakita. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply