13-anyos pababa bawal nang umangkas sa motorsiklo

IPINAGBABAWAL na ang mga 13-anyos pababa na umangkas sa mga motorsiklo upang makaiwas sa delikadong aksidente sa kalsada.

Sa panukala ni Manila Second District councilor Rodolfo Lacsamana, ipinagbabawal na ang pag-angkas ng mga bata sa harap at likod ng lahat ng motorsiklong bumibiyahe sa kalsada sa Maynila.

“Manila had been the unwholesome and disgusting site of children riding on the back or front of motorcyclists,” ayon kay Lacsamana

“This is undoubtedly a case of child endangerment, as these children are exposed to the perils of road accidents which continue to happen in our streets,” dagdag pa ni Lacsamana.

Itinuturo ni Lacsamana na ang motorsiklo ay malapit sa kapahamakan dahil ito ay isang uri ng sasakyan na open, ‘di tulad ng four wheel drive cars.

“It shall hereby be the police of the City of Manila to protect the interest and safety of minor children from the risk, injury or harm that result from road accidents,” nakasaad sa  nasabing panukalang batas ng lungsod.

Magmumulta naman ng P2,000 para sa first offense; pagkakulong o P3,000 para sa second offense; at P5,000 o pagkakulong ng 6 na buwan ang magiging parusa sa ikatlong pagkakamali at sa mga sumusunod pang mga paglabag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply