13 lady bus drivers ready to drive na

TATANGGAP na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) certificate ang 13 sa 21 babaeng bus drivers na nakapasa sa pagsasanay ng TESDA.

Ang pagbibigay ng sertipiko ay gagawin ng TESDA at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa isang seremonya bukas, Marso 14, alas-otse ng umaga sa MMDA building sa Makati City.

Personal na ipagkakaloob ni TESDA Director General Joel Villanueva ang Driving NC III National Certificate sa mga babaeng bus drivers.

“We’re very excited that these lady bus drivers will soon hit the road. They’ve undergone a rigorous and strict training and hurdled a tough test to earn their certifications,” sinabi ni dating CIBAC Partylist Rep. Villanueva.

Tiwala si Villanueva sa mga kababaihan na pagkakaloobang sertipiko sa pagsasabing, “We’re very confident of their skills. We know they will make a huge contribution in keeping our roads safer for everyone.”

Ang naturang mga kababaihang bus drivers ay sumailalim sa libreng crash program nitong nagdaang buwan at pagkatapos ay isang pagsusulit ang ibinigay ng TESDA noong Pebrero 23-25, kabilang ang written at actual driving, na tumagal ng halos dalawang oras.

Isa sa mga tatanggap ng sertipiko ay ang 50-taong gulang na si Rosemarie Ilagan na umamin na sa edad niya ay mahihirapan na siyang maghanap pa ng isang disenteng trabaho na kaniyang ipagsusuporta sa pagpapaaral ng mga anak.

Siya ay isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nagtrabaho sa Dubai bilang isang private driver ngunit napilitang umuwi ng 2009 sa Pilipinas dahil sa problema sa pamilya.

“When I came back here, I knew it was for good because I had to take care of my children. I thought that I would have to find a job here to support my children who are still in school. It’s been hard because of my age, there are limits when applying for certain jobs,” sinabi ni Ilagan.

Kaya nang mag-alok ang TESDA ng pagsasanay sa mga babaeng bus drivers ay lumahok ito dahil sa paniwalang magiging sapat ang kaniyang kikitain sa pagmamaneho ng bus para sa mga anak.

Banggit pa ni Ilagan na marami siyang natutunan sa seminar na hindi niya natutunan sa Dubai kabilang ang ilang traffic regulations, troubleshooting at ang pakikisama sa kaniyang magiging konduktor.

Bukod kay Ilagan ay isang 43-taong gulang naman na si Leonila Bathan na isa ring  OFW galing Dubai ang bibigyang sertipiko ng MMDA at TESDA, kasama rin sina Kathleen Anne Mabagos, Edbeth Gan, Luzviminda Dumalag, Blesy Palisoc, Ferry Anne Alberto, Salve Canita, Janet Mendez, Pabriga Olivia, Ma. Fresa Repomanta, Yolanda Blanco at Jennifer Javier. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply