14 na bayan sa Cagayan Valley landslide prone — Geoscience bureau

MARIING tinukoy ng Cagayan Valley Mines and Geoscience Bureau ang labing-apat na bayan sa rehiyon  na  mapanganib dahil sa pagiging landslide prone nito.

Ayon kay MGB Regional Director Mario Ancheta, kabilang rito ang mga bayan ng  Ambaguio, Kasibo, Kayap, Santa Fe, Quezon, ilang parte ng Aritao sa Nueva Vizcaya; Cabarriguis, Maddela at Nagtipunan sa Quirino Province; Palanan Maconancon, Dinapigue, Divilacan at San Mariano sa Isabela.

Sinabi ni Ancheta, ang nabanggit na labing apat na bayan ay kinokunsidera ng nabanggit na ahensya bilang geo-hazard, lalo na kung magkakaroon ng matinding paglindol o matitinding pag-ulan dahil na rin sa bulubunduking lupain nito.

Nagbabala na rin ang mga opisyal ng MGB sa mga local officials ng mga nasabing bayan na magsagawa  kanilang Quick Response Plan sa lalong madaling panahon at tiyaking mahigpit itong maipapatupad upang mapigilan o kung hindi man ay mabawasan ang pinsala sa panahon ng kalamidad. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply