15% ng IRA ilaan sa health programs ng LGU — Solon

ISINULONG ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro ang panukalang paglalaan ng 15 porsiyento ng Internal Revenue Allocation (IRA) ng bawat local government units (LGUs) sa programang pangkalusugan.

Sinabi ni Teodoro, ang House Bill 1843 ay may layuning paglaanan ang LGU ng pondo sa programang pangkalusugan dahil ito ang higit na nakababatid ng direktang pangangailangan ng nasasakupan.

“The staggering problem affecting the nation requires a more concentrated approach. The LGUs are in close contact with the people and as such, they are more aware of the needs of their constituents,” aniya.

Tinukoy ni Teodoro na dahil sa paglipat ng mga doctor at nurses mula sa mga liblib na pook, tungo sa siyudad o ibang bansa, napababayaan na ang kalusugan ng ibang lalawigan.

“The other reasons are the increasing population, lack of health programs and health facilities, like hospitals and clinics,” sinabi pa ni Teodoro.

Sa pag-amiyenda sa Republic Act 7160, o Local Government Code of 1991, nakasaad sa panukala na taun-taon ay popondohan ng 20 porsiyento ang local development projects at 15 porsiyento naman mula sa IRA ang mapupunta sa programang pangkalusugan.

Inaatasan din sa panukala ang mga LGU na magsumite ng kanilang development plans at health programs sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH).

Ang DILG at DOH ang magkasamang mag-iisyu ng regulasyon sa pagpapatupad ng panukalang ito. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply