150 pamilya inilikas sa Negros dahil sa baha

LUMIKAS ang may 150 pamilya sa Silay City, Negros Occidental dahil sa biglang pagbaha dito Huwebes ng gabi, Marso 3, bunsod ng malakas na pag-ulan.

Sa isang text message, ipinarating Biyernes ng umaga ni  3rd District Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez sa Remate Online ang tungkol sa paglikas ng mga nasarbing residente ng Silay City.

Ayon sa text: “About 150 families were affected and evacuated but no reported deaths.”

Ang mga nagsilikas na pamilya ay dinala sa isang paaralan na siyang ginawang pansamantalang evacuation center kung saan doon na rin sila nagsitulog.

Bagama’t humupa na ang baha sa ilang lugar ng lungsod ay may ilan pa ring lugar na mataas ang tubig kung kaya may mga naiwan pa sa mga evacuation center. Meliza Maluntag

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply