16 naman

ANG lakas ng dating ng 212 na Yes-votes para sa impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez! Kahit pa sabihin na bago ang botohan ay kinabahan daw ang liderato ng majority na gustong-gusto yata na ma-impeach si Merci, hindi masasabi na nanganib pa ang Yes-vote dahil sa landslide ng pabor sa impeachment na boto.  Binatikos man ang pangbabraso daw ng administrasyong Aquino para pumasa ang impeachement sa House, matindi at very decisive pa rin ang 212 na boto, bagyo sabi nga!

Nasa kamay na ng Senado ang bola. Mga Senador ang pinal na magde-desisyon at 16 na boto sa Senado ang kailangan para ma-impeach na talaga ang Ombudsgirl. Kung hindi papa-impluwensya ang Senado sa sinasabing pamimilit ng ilang pwersa para ma-impeach si Merci, paano kaya sila boboto.  Si Congressman JV Ejercito nag-Yes, yes din kaya ang kapatid na si Senador Jinggoy?

Ang anak na si Cong. Jackie ay Yes, yes din kaya ang tatay na si Senator Juan Ponce Enrile? Ang asawa ni Senador Bong Revilla na si Cong Lani ay abstain, hindi rin ba boboto ng malinaw ang Senador? Si Imelda Marcos  Yes daw, si Bongbong din kaya. Yes si Sonny Escudero, yes din kaya si Chiz? Si Mark Villar, abstain, ganun din kaya boto ng tatay nya na si Senador Manny?

Si Cong. Tinga na political enemy ng mga Cayetano ay nag-Yes, ano kaya ang boto ng magkapatid na Senador Alan at Pia?  Sabi ng mga oposisyon na Congressman, kung totoo daw na kinonsulta ng mga kinatawan ang kanilang constituents, hindi daw ganun kadami ang Yes na boto. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi pabor ang mga tao na ma-impeach si Merci Gutierrez at hindi naniniwala ang bayan na inupuan ng Ombudsman ang mga malalaking kaso ng korapsyon kaya hindi ito umusad at napanis sa opisina ng Ombudsman? May punto ang banta ni Senator Serge Osmena.

Hindi dapat kampihan  sa pulitika ang basehan ng paghusga kay Merci.  Ang Senado ay independente at dapat na maghusga base sa patas na paglilitis at hindi dahil may mga kapamilya, kapuso at kapatid ang mga ito sa pulitika. Bantayan natin ang paglilitis ni Merci at tayo ang maghusga kung mabibigyan ba sya ng patas na hustisya at ayon sa batas.  Kayo, ano ang boto nyo? Mag- text po kayo sa 09209280847 o email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon sa usaping ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply