16 Pinoy galing Japan negatibo sa radiation

NASA normal level lamang ang radiation na na-detect sa 16 katao na galing sa Japan na sumalang sa radiation test  ng  Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay Estrella Caseria, director ng Raditiaon Protection Unit (RPU) ng PNRI,  boluntaryong nagtungo sa kanilang tanggapan ang mga ito.

Nabatid na normal naman ang radiation level na na-detect sa kanila.

Ayon pa kay Caseria, noong Martes lamang ay may nagpasuri sa PNRI.

Agad namang pinawi ni Caseria ang pangamba ng publiko na bagamat umabot na sa bansa ang radiation mula sa Japan, aniya wala pang dapat na ikabahala dahil masyadong mababa pa ang level nito at wala pang mapanganib na banta sa kalusugan ng tao.

Idiniin pa ng grupo ng monitoring team ng PNRI na closed monitoring ang kanilang ginawa upang sakaling magkaroon ng nakababahalang resulta ay agad mabibigyan ng babala ang publiko at magsagawa agad ng prevention measures para na rin sa kaligtasan ng taong bayan.

Ayon sa liderato ng PNRI bukas ang kanilang tanggapan para sa mga kababayan na galing ng Japan sa mga nais na magpa-test ng radiation level. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply