18 kongresista nagpa-drug test

LABING WALONG kongresista ang sumailalim sa boluntaryong pagpapa-drug test sa pangunguna ng House Committee on Dangerous Drugs at pakikipagtulungan ng Department of Health.

Ang drug test ay isinagawa sa mismong Ramon V. Mitra Bldg. sa loob ng Batasan Complex na magpapatuloy hanggang mamayang hapon.

Pinangunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pagpapa-drug test kasama sina Alfredo Garbin (AKO Bicol Partylist), Marcelino Teodoro (Marikina),Florencio “Bem” Noel (An Waray Partylist), Karlo Nograles (Davao), Toby Tiangco (Navotas); Rodante Marcoleta (Alagad Partylist); Wilfrido Mark Enverga (Quezon); Miro Quimbo (Marikina); George Arnaiz (Negros Oriental); Salvador Cabaluna III; Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro); Ervin Alcala (Quezon);Orlando Fua (Siquijor); Antonio Tinio (ACT Partylist); at Raymond Democrito Mendoza.

Nauna rito ay nagtungo na rin sa mismong tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang mambabatas upang sumailalim sa drug test.

Sa ganitong paraan anila ay makatutulong sila upang patunayan na hindi lahat ng mambabatas ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kasunod ng naging pag-amin sa Hong Kong court ni dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na nahatulan ng 18 buwan pagkakakulong dahil sa kasong drug trafficking. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply