18,180 katao inilikas sa 19 probinsya, balik-bahay na

BAGO maghatinggabi ay binawi na ng pamahalaan ang itinaas na tsunami alert sa may 19 lalawigan, kung saan umaabot sa mahigit 18,180 katao ang naapektuhan ng isinagawang preventive evacuation kasunod ng 8.9 magnitude earthquake na yumanig sa northern part ng Japan at sinundan ng Tsunami na may  dalang   20 hanggang 30 metro taas ng daluyong.

Ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na “no unusual waves” ang namataan ng kani-kanilang monitoring team sa coastal areas na nakaharap sa Pacific Ocean.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo, base sa ulat ng kanilang mga PNP provincial pirector na umaaktong local disaster coordinating council officers ay umaabot sa 4,991 pamilya ang inilikas sa ilang coastal areas sa may eastern seaboard ng Pilipinas.

Sa pahayag ni Phivolcs Director Renato Solidum, “Nakatanggap po kami ng mga data sa ating monitoring, indicating minor sea level changes or the arrival of unusual waves in some areas of the philippines starting at 6 p.m. up to 10:10 p.m. with a reported maximum wave height ranging from 0.2 meters to 0.7 meters. Ang ibig sabihin, 20 centimeters to 70 meters lamang, well within our forecasted height.”

Sa paglilinaw, sinabi pa ni Solidum na ang taas ng tubig o wave na umabot sa Pilipinas base rin sa obserbasyon sa tsunami heights sa Okinawa ay nagsasabing nalagpasan na ng bansa ang banta ng pagdaluyong ng malalaking alon.

Samantala, sa paglilinaw ni Office of the Civil Defense (OCD) director at NDRRMC executive officer B/Gen. Benito Ramos, “Walang koneksyon itong New Zealand at saka yung Japan dahil iba yung plato, walang epekto yan sa Republika ng Pilipinas itong 3.1 or 4.0 na paglindol dito, walang epekto daw sabi ng Phivolcs.”

Magugunitang nagpalabas din ng tsunami alerts sa mga lugar sa Pacific, Southeast Asia at Latin America, kasama ang Japan, Russia, Indonesia, New Zealand at Chile, bunsod ng magnitude 8.9 tremor na tumama sa Japan’s eastern coast on Friday.

Sa Pilipinas ay agad na itinaas ang tsunami alert #2 sa may 19 na lalawigan, kabilang ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, at Davao del Sur.

Bahagya lamang umanong naramdaman ang dating ng first and second wave ng tsunami mula sa sa mga dalampasigan ng Pilipinas dakong alas-sais ng hapon partikular na sa coastal areas ng Aparri, Cagayan at Basco, Batanes. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply