19 Pinoy panibagong bihag ng mga pirata sa Somalia

LABING-SIYAM na Pinoy seamen ang panibagong bihag ng mga pirata ng Somalia.
Ito ay ayon mismo sa European Union Naval Force na kaka-hijacked palang umano ng MV Dover na isang cargo vessel na pagmamay-ari ng isang Greek na may lulan na 23 tripolante.

Kinabibilangan ito ng 19 na Pilipino, 3 Romano at isang Ruso. Nakubkob ang naturang barko sa North Arabian sea. Kakagaling pa lamang ito sa Pakistan at patungong Yemen nang sila salakayin.

Kasalukuyang inaalam ang kalagayan ng mga tripulante na napaulat na nawalan ng komunikasyon sa may-ari ng barko. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply