196 na bagong gradweyt ng PMA pasok sa AFP

NAKATAKDANG pumasok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang second lieutenant at ensign ang 196 bagong kagagradweyt ngC (PMA).

Pinangunahan nitong Linggo, Marso 6 ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkokomisyon sa 196 na nagtapos.

Ibinigay ni Pangulong Aquino kay Cadet First Class Angelo Parras ng Apalit, Pampanga ang Presidential Saber dahil sa pangunguna nito sa PMA class 2011 Laon Alab (Lakas Tipon Alagad ng Bayan).

Samantala, iginawad naman ni Bise Presidente Jejomar Binay kay Cadet First Class John Gregor ng Zamboanga City ang Vice Presidential Saber.

Ang iba pang mga nagsipagtapos na nanguna sa kanilang klase ay sina: Cadets First Class John Gregor Guiang ng Zamboanga del Norte; Jason Cortes Luna ng Enrile, Cagayan; Aljan Cabriga Dino ng Naic, Cavite; Rigor Narag Pamittan ng Tuguegarao City, Cagayan; Janice Baniaga Matbagan ng Baguio City; Bobby Gabayno ng Cainta, Rizal; Ramon Kristofer Ganab Engay ng Tuao, Cagayan; Norman Avila Carual ng Tabaco City, Albay, at Jason Fabros Parinas ng Muñoz, Nueva Ecija. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply