1st batch ng lady bus drivers sasabak na sa lansangan

PINARANGALAN ni Metopolitan Manila Authority Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang 13 babaing bus driver na nagtapos ng driving course sa Technical Education and Skills Development (Tesda) ngayong March 14.

Ayon sa MMDA chairman, hindi matatawaran ang ipinakitang kahusayan ng kababaihan sa larangan ng pagmamaneho sa mga pangunahing lansangan.

May kabuuang 31 babae ang kumuha ng nasabing kurso sa Tesda para maging kuwalipikadong drayber ng bus at trak.

“We are proud to present our first batch of lady bus drivers that completed and passed a series of training and competency tests. They are as competent as their professional male counterparts,” pahayag ni Tolentino.

Ang graduation rites na ginanap sa Tesda grounds sa Makati City  ay pinangunahan mismo ni Tesda Secretary General Joel Villanueva na nag-abot ng certificate of compliance sa mga nagtapos sa mga nagtapos na lady driver.

Kabilang sa mga nagtapos sina Ma. Fresa Repomanta, 44; Salve Canita, 46; Olivia Pabriga, 52; Edbeth Gan, 35; Leonila Bathan, 43; Rosemarie Iligan, 50; Janet Mendez, 40; Yolanda Blanco, 51; Jennifer Javier, 26; Luzviminda Dumalag, 46; Ferry Anne Alberto, 37; Kathleen Anne Mabagos, 28; at Blessy Palisoc, 24.

Ngayon pa lang, tatlong kumpanya na umano ng bus ang nais kumuha sa serbisyo ng mga babaing drayber gaya HM Bus, Philtranco, at RRCG.

Ipinagmalaki rin ni Tolentino na ang mga bus na patatakbuhin ng mga bsgong babaing drayber ay libre sa color-coding scheme.

Patuloy ang pagtanggap nila ng mga aplikante para maging lady bus driver, habang ang pangalawang batch na 21, kasalukuyan nang nagsasanay.

Sasabak na sa mga lansangan ngayong Lunes, Marso 14 ang lima sa mga lady bus driver na sinanay ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Kabilang sa mag-uumpisa ay ang 51-anyos na si Janet Mendez, bilang provincial bus driver ng Philtranco matapos pumirma ang naturang bus company ng kontrata Lunes ng umaga sa tanggapan ng MMDA kasunod ng graduation ceremony.

Isa si Mendez sa 13 unang batch ng lady bus drivers na nagsipagtapos sa training na ibinigay ng MMDA at pumasa sa level 3 ng national certification ng Tesda  para sa ‘heavy duty vehicle driver.’

Sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez na bukod kay Mendez, apat pang lady bus driver na kinuha ng Philtranco ang sasabak na rin sa mga lansangan ngayong araw. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply