1st National Students beach volley c’ship papalo na

AYOS na ang lahat para sa 1st National Students Beach Volleyball Championship na gaganapin sa Marso 23 at 24 sa University of the East (UE), beach volleyball court sa Caloocan City.

Batay sa pahayag ni Philippine Schools Volleyball Association (PSVA) chairman Dr. Diosdado Amante ng EARIST State College, at ni Pangulong Prof. Robert Milton Calo ng Technological University of the Philippines (TUP) na naatangan ng tungkulin ng Federation of School Sports Association of the Philippines (Fessap) na organisahin ang women’s qualifying championship sa Manila.

Nakipaglagdaan na ng isang memorandum of agreement si David Ong, Fessap president, na maapruba sa PSVA na organisahin ang tournament para sa First Asian University Beach Volleyball Championship sa China.

Ang winning team ay makakakuha ng ticket sa 1st Asian Beach Volleyball Championship for Women sa Laizhou City, Shandong, China, sa Hulyo 15-20, 2011, kung saan ang qualifying championship na gaganapin sa ilalim ng Fessap at sa pakikipagtulungan ng State Colleges and Universities Athletic Association (Scuaa), Petron-Beach Volleyball Tour Association at ng iba pang kasaping organisasyong ligang miyembro.

Naantalang dadating sa Martes, Marso ang Cebu Schools Athletic Foundation Inc. (Cesafi) Women’s Beach Volleyball Champion team na napapanahon sa qualifying round na pinanalunan ng University of Southern Philippines Foundation (USPF). Ang mga maglalaro ay sina Erika Camille Verano, Apple Saraum, Rexa Mae Gabriel at coach Thelma P. Datig. Ito ay opisyal na inanunsyo ni Cesafi commissioner Felix Tiukinhoy.

Bukod sa University of Southern Philippines ng Cebu, tatlong iba pang team na Rizal Technological University (RTU), Petron-Beach Volleyball Tour Association Champions ng University of the East at host EARIST State College ay lalahok sa qualifying event.

Ang format ay isang double round robin elimination na kung saan ang dalawang nangungunang team ay magsasagupaan sa finals at ang mga nandoon sa qualifying ay papasok sa First Asian University Beach Volleyball Championship sa Laizhou City, China.

Inaprubahan na ni Philippine Southern Philippines Foundation (PSPF) president Engr. Rolando Villa ang partisipasyon ng university women’s team sa qualifying round sa First Asian Beach Volleyball Championship.

Sinabi ni Villa na ang pagkakataon na lumahok sa kampyonato ay malaunang pangarap ng mga atleta ng unibersidad at umabot sa iskwelahan sa Cebu sa kabuuan.

Sa kabilang dako, sinabi ng Cesafi commissioner na nagpapasalamat siya kay Fessap president David Ong at sa PSVA Officials sa pangunguna ni Dr. Diosdado Amante at Prof. Milton Galo sa pagsasama ng Unibersidad na nakabase sa Cebu sa National Students Championship na nagbigay ng pagkakataong makwalipika sa mataas na lebel ng kompetisyon tungo sa 1st Asian University sa China. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply