2 arestado sa P1M cocaine

ARESTADO ang dalawang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa  ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Taskforce (AIDSOTF) at Pasig police na nagresulta rin sa pagkakakumpiska sa P1 milyon halaga ng cocaine.

Kinilala ni Pasig City chief of Police  P/Sr. Supt. Jessie Cardona  ang mga suspek na sina Lorenzo David Layug,  ng San Lorenzo Village, Makati City at isang Renz Henry Sayarot.

Sa ulat, dakong 6 ng gabi noong Martes nang madakip  ang mga suspek sa parking lot ng City Golf  Plaza, sa Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City.

Ayon kay Atty. Roque Merdeguia ng AIDSOTF, matagal nang under surveillance ang mga suspek, matapos makatanggap ng impormasyon  ang kanyang grupo na ang mga suspek ang nagbebenta ng cocaine sa Metrowalk at City Golf area, na ang tinatarget ay mayayamang kabataan.

Dahil dito, nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis at nang makabili ng cocaine sa mga suspek na nagkakahalaga ng P100,000 ay agad silang inaresto.

Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang 216 gramo ng cocaine, 2 sachet ng dahon ng marijuana, mga tableta ng cepham at isang .9 mm kalibre pistol na puno ng bala. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply