2 bagets huling nagtatalik sa yumanig na jeep

HULI sa akto ang dalawang bagets na nagtatalik sa nakaparadang jeep makaraang may makapansin sa pag-uga ng sasakyan sa Malabon City, Sabado ng gabi.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang totoy na edad 15 at nene na edad 13, kapwa ng San Agustin, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 11:30 ng gabi, nagroronda ang mga barangay tanod sa Beacum St., San Agustin nang mapansin ang pag-uga ng jeep na nakaparada sa madilim na bahagi ng lugar.

Nang puntahan ay naaktuhan nila ang dalawang bagets na nagtatalik dahilan upang dalhin sa presinto. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply