2 barko nagsalpukan sa Cebu

NAGSALPUKAN ang dalawang barko sa kalagitnaan ng karagatan ng Talisay, Cebu, umaga ng Huwebes, Marso 31.

Ayon sa ulat, nagbanggaan ang pampasaherong barko na MV Super Ferry 2 at ang cargo vessel na MV General Romulo.

Nabatid na galing sa daungan ng Cebu ang MV Super Ferry 2 na may sakay na mga pasahero papuntang Maynila nang bumangga ito sa MV General Romulo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa Cebu sa salpukan ng dalawang barko na kapwa nagtamo ng pinsala. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply